
| OUR MISSIONS:
 Florida USA
 Guyana
 India
 Liberia
 Malawi
 Myanmar
 Pakistan
 Philippines
|
|
|
|
|
ANG SIMPLENG PLANO NG KALIGTASAN
Kilalanin Ang Iyong Pangangailangan Ng Tagapagligtas
Yamang ang lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatianng Diyos; Gaya ng nasusulat, "Walang matuwid, wala, wala kahit isa.
Roma 3:23 & 10 KJV
Kilalanin Na Ang Diyos Ay Ipinadala Si Hesus Upang Makipagkasundo sa Iyo Tungo Sa Kaniya
Na ibinigay sa kamatayan dahil sa ating mga pagsuway at muling binuhay upang tayo'y ariing gananp.
Roma 4:25 Amp
Para sa ating kapakanan, ginawa niyang may kasalanan siya (Hesus)na hindi nakakilala ng kasalanan, upang sa Kaniya (Hesus)
tayo'y maging katuwiran ng Diyos.
2 Corinto 5:21 Amp
Magsisi at Magbalik-loob sa Diyos Ng Iyong Buong Puso
Pumunta si Hejus sa Galilea na ipinangangaral ang ebanghelyo ng Diyos. Na sinasabi, "Naganap na ang panahon at malapit na ang kaharian
ng Diyos: kayo'y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo."
Markos 1:14b & 15 Amp
Tanggapin Sa Pamamagitan Ng Pananampalataya Na Ang Mahalagang Dugo Ni Hesus Ay Maglilinis Sa 'Yo
Sya ay pumasok na minsan magpakailanman sa Dakong Banal hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing
at mga toro, kundi sa pamamagitan ng Kaniyang (Hesus) sariling dugo, sa gayo'y tinitiyak ang
walang hanggang katubusan. Gaano pa kaya ang dugo ni Kristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu
ay inihandog ang Kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, ay maglilinis ng ating budhi mula sa mga gawang patay upang maglingkod
sa Diyos na buhay?
Hebreo 9:12 & 14 Amp
Tanggapin Sa Pamamagitan ng Pananampalataya Ang Kaniyang Kapatawaran At Pag-ibig
Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya (Hesus) ay tapat at banal na magpapatawad
sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.
1 Juan 1:9 Amp.
Maniwala Sa Diyos Na Nagbangon Kay Hesus Mula sa mga Patay At Ipahayag Na Siya Ay Diyos
Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig si Hesus na Panginoon, at sasampalataya ka
sa iyong puso na binuhay Siyang muli ng Diyos mula sa mga patay, ay maliligtas ka. Sapagkat sa puso ang tao'y nananampalataya kaya't
itinuturing na ganap, at sa pamamagitan ng bibig ay nagpapahayag kaya't naliligtas.
Roma 10:9-10 Amp
Ang Mga Banal Na Kasulatang Ito ay Para Sa 'Yo, Pagbulay-bulayan Ang Mga Ito
Jeremias 1:5
"Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga
Jeremias 32:27
"Narito, ako ang PANGINOON, ang Diyos ng lahat ng laman; mayroon bang anumang napakahirap para sa akin?"
Roma 10:11
Sapagkat sinasabi ng kasulatan, "Ang bawat sumasampalataya sa Kaniya ay hindi malalagay sa kahihiyan."
1 Pedro 5:6-7
Kaya't kayo'y magpakumbaba sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos, upang kayo'y Kaniyang itaas sa takdang panahon.
Ilagak ninyo sa Kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat Siya'y nagmamalasakit sa inyo.
3 Juan 1:2
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay mapabuti ka at magkaroon ng kalusugan, kung paanong
nasa mabuti ring kalagayan ang iyong kaluluwa.
1 Juan 5:4
Sapagkat ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanlibutan at ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan,
ang ating pananampalataya.
|
Ipanalangin Ang Panalanging Ito:
Ama, sa pangalan ni Hesus, hugasan Ninyo ako ng inyong dugo, patawarin ninyo
ako sa aking mga kasalanan,isinasamo ko Panginoon. Nananampalataya ako na si Hesus ay anak ng Diyos at Ikaw, Amang Diyos, ang nagbangon
sa Kaniya mula sa mga patay. Akin ngayong inihahayag na si Hesus ay aking Panginoon. Salamat sa inyong pagligtas sa akin Ama.
Mahal kita Hesus.
Para sa Karagdagang Impormasyon Tungkol Sa Iyong Bagong Buhay:
Pangalan: _______________________________
Kalye: _______________________________
Siyudad/Lunsod: ________________________ State: ________________________
Zip: ______________
|
|
Santiago 1:5
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos sa nagbibigay
nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kaniya.
|
|